Mahirap
Friday, July 11, 2008
♥ 10:05 PM
mahirap kang abutin. mahirap kang intindihin. mahirap kang mahalin.
mahirap kang sirhan ng pinto. mahirap kang talikuran. mahirap kang lubayan. baka kasi may pag-asa pa, at kapag nasayang ito, baka ako lang din ang masasaktan; ako lang din ang luluha at maghihinayang.
ngunit mahirap ka ring buksan ng pinto. mahirap ding maghintay sa'king tinatayuan. mahirap ding tumunganga na lamang habang ika'y nag-iisip. baka kasi, mauwi lang sa wala, at masasaktan lang uli ako, tulad ng nangyari dati. baka kasi masusugatan lang din puso ko, at hindi na ako makapaghahanap pa ng hihilom nito.
mahirap. mahirap. napakahirap.
dahil mahirap kang abutin. mahirap kang intindihin. mahirap kang mahalin.
'di to para sayo. huwag ka nga. haha.
4 COMMENTS| comment please?
$BlogItemBody$>